Noong ako ay bata pa lamang (bandang 7 years old siguro) , ang kahulugan ng pasko ay ang pagkakaroon ng "family gatherings" at handaan. Kahit mga Iglesia ni Cristo kami, ipinagdiriwang nila ito sapagkat nakikisama sila sa lolo at lola kong Katoliko. Kadalasan pumupunta kaming probinsya para bisitahin ang aming mga kamag-anak o di kaya naman matutulog ang mga pinsan ko sa bahay namin. Ngunit hanggang doon lang ang alam kong dahilan ng pasko.
Ngayong ika-16 na taon kong pamumuhay sa mundong ito, nagkaroon ito ng bagong depinisyon. Ang dati kong paniniwala na ang pasko ay isang mistulang masayang bakasyon ng mga estudyante upang makapiling ang mga minamahal sa buhay ay nagbago.
Mas naging bukas ang aking mata kung bakit may pasko. Simula noong umattend na ako ng simbang gabi, nag-iba ang aking mga pananaw ukol dito.Nalaman-laman ko na ipinagdiriwang pala ang tuwing pasko ang pagkasilang ni Hesus, ang ating tagapagligtas. Ang pasko pala ay tungkol sa pagbibigayan, pagmamahalan, at pagasa ng sanlibutan. Hindi ko alam ang mga ito. Ako ay manghang-mangha. Wala akong kaalam-alam sa mga ganitong bagay, daig pa ako ng mga paslit sa may bahay sambahan. Kaya naman, mas lalo akong ginanahan para buksan ang bibliya at saliksikin ang katotohanan.
Minsan sumagi sa aking konsensya, ang dami kong alam. Mapa-science, math, literature, history, computer, kahit papaano may ideya ako sa mga ito. Ngunit, nakakahiya rin pala na wala kang alam sa bibliya. Parang mangmang ang puso't-isipan mo pag wala kang natatanggap na mga salita nito, kahit gaano ka katalino pero pag di mo alam ang kanyang mga pangako, utak mo ay parang kahon na walang laman. Ganyan ang mga sumasanggi sa isip ko noong isang araw.
Dahil dito, mas pursigido tuloy ako na unawaan ang mga salita NIYA. Naniniwala ako na dapat nating mas pasiglahin ang pagpupuri kay Hesus na siyang nagligtas sa atin. Hindi man tayo maging katulad niya, ngunit pahalagahan natin ang kanyang pagsasakripisyo at pagbibigay ng biyaya sa atin. Maswerte ako, maswerte tayong lahat, tayo ang dahilan kung bakit may pasko, ipinanganak ang tagapagligtas dahil sa ating lahat!
Kahit papaano lumalim ang kaalaman ko sa totoong diwa ng pasko, hindi man perpekto at kalalim ang pag-iisip ko sa tunay na depinisyon ng sa pasko gaya ng iba kong kasama sa church, pero kahit papaano, may naipunla akong aral para payabungin ang karunungan ko sa bibliya.

No comments:
Post a Comment