Sunday, March 9, 2014

Random Thoughts : March 9,2014

Mapalad ako.

Mapalad ako na naranasan ko na maging estudyante ng public high school. Bago ko pasukin ang public high school, malaki ang pangmamaliit ko sa public, since galing akong private. Pero marami rin akong realizations nung pinasok ko ang public high school.

Makikita mo kasi ang iba't-ibang mukha ng lipunan. Nakakatuwa rin kasi, mapapaisip ka na ang daming estudyanteng may mga pinagdadaanan sa buhay ( Yung iba working students, yung iba exposed sa vices, yung iba matatalino, yung iba may mga kaya rin sa buhay) kumbaga nagsama-sama sila sa iisang eskwelahan.

Hindi ko man naranasan na maghikahos di katulad ng iba, pero nakita ko ang kanilang mga sakripisyo. Sakripisyo para maitaguyod ang kanilang edukasyon.

Hindi ko rin maiwasan na maikumpara ang buhay ko noong nasa pribadong eskwelahan ako. Parang nais ng konsensya ko na pagsumikapan ko pa lalo... "Huwag mo sayangin yung opportunidad mo, tignan mo yung mga taong nakapaligid sayo..." Pangarap ko ay lalong tumataas sa tuwing nakikita ko yung mga dati kong kaklase sa private. Pero pag nakikita ko yung mga schoolmates ko sa public, nararamdaman ko na dapat matuto akong huwag magdamot sapagkat alam ko ang pakiramdam ng wala. Kaya nangangarap din ako ng may moderasyon.

 Natuto akong maging selfish minsan sa point ng buhay ko na sobrang damot ko. Anong naramdaman ko? Hindi ako masaya. Nakikita ko kasi yung mga kaibigan ko na alam kong mas angat ako sa pinansyal na pangangailangan kaysa sa kanila na masaya  kahit kaunti lang na bagay ay nagagawa pang magbigay samantalang ako na may kakayahan ngunit nagiging madamot pa. Hindi ko maiwasan ikumpara ang sarili ko.

Naiparamdam sa akin ng pagiging public high school student na dapat matuto tayong "MAGBIGAY". Sabi nga diba "It's better to give than to receive." Maraming mas naghihirap kaysa sa akin kaya naman naramdaman ko na dapat maging mapagbigay.


Saturday, January 25, 2014

My Mentor



Dear Nica,


Happy 19th Birthday Nicaaaaa! Right now, I really want to hug you!  I miss you so much.. Ilang araw na tayong hindi nagkikita. Pero kahit hindi tayo nagkikita, nawa'y maramdaman mo ang aking pagmamahal sayo. Gusto ko sana gamitin ang pagkakataon na ito na pasalamatan ka, lalo na sa pagiging mentor ko at good listener ko. Nica, lagi ka maging #GC ha. God conscious and grade conscious. hahaha! Future teacher ka eh. Thank you for the memories na pinagsamahan natin, kahit na wala pa tayong isang taong magkaibigan feel ko parang ilang dekada na ang lumipas.  I thank God too, kasi binigyan niya ako ng pangalawang ate na katulad mo.

Isa kang eye-opener sa akin. Nakakatuwa ka :) Alam mo ba yun Nica? Kasi kahit na ang dami kong tanong sayo, hindi ka nagsasawa na sagutin yung mga tanong ko. At syempre, nakakatuwa ka rin kasi weird ka rin, pero in a good way. UNIQUE. Siguro nga pag naging teacher kita, favorite teacher kita eh (yieeeeeeeeeee!) Kung may kailangan ka, andito lang ako ah ;) I'm a friend indeed.

Anyways, sana magtagpo na ang ating landas sa Team Elijah! Dance Central tayo pag hindi na tayo gaano ka-busy... Sa katunayan, namimiss ko na rin ang mga taga-KND.

Happy Birthday ulit Nica Ganda... Stay pretty & healthy! May God bless you always...

Trivia : Last year pa yung last nating pagkikita.


Sincerely yours,


Kath


Written : January 25, 2014

Friday, January 3, 2014

My 2013 with KYOUTH :)

 
 
 
 
       

They are my treasures which I received from God. I am grateful for I have them. Looking forward to spending my lifetime with them while praising God with glory! 

Sunday, December 22, 2013

Bagong Kahulugan

Noong ako ay bata pa lamang (bandang 7 years old siguro) , ang kahulugan ng pasko ay ang pagkakaroon ng "family gatherings" at handaan. Kahit mga Iglesia ni Cristo kami, ipinagdiriwang nila ito sapagkat nakikisama sila sa lolo at lola kong Katoliko. Kadalasan pumupunta kaming probinsya para bisitahin ang aming mga kamag-anak o di kaya naman matutulog ang mga pinsan ko sa bahay namin. Ngunit hanggang doon lang ang alam kong dahilan ng pasko.

Ngayong ika-16 na taon kong pamumuhay sa mundong ito, nagkaroon ito ng bagong depinisyon. Ang dati kong paniniwala na ang pasko ay isang mistulang masayang bakasyon ng mga estudyante upang makapiling ang mga minamahal sa buhay ay nagbago.

Mas naging bukas ang aking mata kung bakit may pasko. Simula noong umattend na ako ng simbang gabi, nag-iba ang aking mga pananaw ukol dito.Nalaman-laman ko na ipinagdiriwang pala ang tuwing pasko ang pagkasilang ni Hesus, ang ating tagapagligtas. Ang pasko pala ay tungkol sa pagbibigayan, pagmamahalan, at pagasa ng sanlibutan. Hindi ko alam ang mga ito. Ako ay manghang-mangha. Wala akong kaalam-alam sa mga ganitong bagay, daig pa ako ng mga paslit sa may bahay sambahan. Kaya naman, mas lalo akong ginanahan para buksan ang bibliya at saliksikin ang katotohanan.

Minsan sumagi sa aking konsensya, ang dami kong alam. Mapa-science, math, literature, history, computer, kahit papaano may ideya ako sa mga ito. Ngunit, nakakahiya rin pala na wala kang alam sa bibliya. Parang mangmang ang puso't-isipan mo pag wala kang natatanggap na mga salita nito, kahit gaano ka katalino pero pag di mo alam ang kanyang mga pangako, utak mo ay parang kahon na walang laman. Ganyan ang mga sumasanggi sa isip ko noong isang araw.

Dahil dito, mas pursigido tuloy ako na unawaan ang mga salita NIYA. Naniniwala ako na dapat nating mas pasiglahin ang pagpupuri kay Hesus na siyang nagligtas sa atin. Hindi man tayo maging katulad niya, ngunit pahalagahan natin ang kanyang pagsasakripisyo at pagbibigay ng biyaya sa atin. Maswerte ako, maswerte tayong lahat, tayo ang dahilan kung bakit may pasko, ipinanganak ang tagapagligtas dahil sa ating lahat!

Kahit papaano lumalim ang kaalaman ko sa totoong diwa ng pasko, hindi man perpekto at kalalim ang pag-iisip ko sa tunay na depinisyon ng sa pasko gaya ng iba kong kasama sa church, pero kahit papaano, may naipunla akong aral para payabungin ang karunungan ko sa bibliya.

Sunday, November 3, 2013

Just some random thoughts

2013 - 11 - 03 Sunday

Hindi ko alam paminsan-minsan kung dapat kung ipagpasalamat ang mga angkin kong talento. Tila minsan ito ay parang lason na maaring makasakit sa iba. Aminado ako, marami akong talento, marami akong alam sa iba't ibang bagay. Hindi ko alam ang limitasyon ng aking kakayahan, walang makakahadlang sa pagpapaunlad ng mga ito. Sa sobrang pagmamahal ko sa aking talento at pagpapayabong ng mga ito, yung iba minsan hinihila ka nila pababa, samantalang ang iba ay tinutulak ka pa nila sa progreso ng mga ito.

Bat nga ba ako nagdadrama ng ganito? OA? Hindi ako OA, may lahing writer lang kaya ganito kahalimuyak ang aking mga salita. Sa mabilis na usapan, madalas na ang pagkainis ng aking kapatid. Sabi huwag pumatol sa mga kaaway sapagkat negatibo ito sabi sa bibliya. Hindi ko alam kung bakit naiinis siya sa akin? Minsan nadadamay tuloy ang aking mga talento. Minsan sinisisi ko ang mga ito. Sa sobrang dami kong alam gawin, parang nagkakaroon ng ekspektasyon ang mga nakapaligid sa aking kapatid. Hindi naman kasalanan ang maging magaling sa maraming bagay? Hindi ko naman siya pinapatulan. Kaso minsan, sumosobra na din, ikaw ba naman makatanggap ng" Fuck u" mula sa kanya. Sino bang hindi gaganahan na maging matino? Pero ito sinusubukan na naman ang aking pasensya. Sabi nga ng kaibigan ko, be prepared sa mga test ng patience sa akin when you seek for it through God. Minsan sinasabi ko kada magpepray ako.. Masama ba maging magaling Lord? Alam ko hindi ko dapat pinagdududahan ang aking mga kakayahan, pero paano kung nakakasakit na ito?

Usapang talento ulit. Higit na dalawang buwan na ako sa KND, at nag-eenjoy naman ako. KND? Sila ang tagapaghubog ng aking mga talento. AS IN. Noong anniversary nga, di ko ineexpect na magvaviolin ako. Isa pa naman din sa pinakaayaw kong gawin na alam ko naman gawin ay ang pagpapatugtog nito. Hindi ko talaga ito hilig at napilitan lang ako mag-aral nito. Hindi ko rin alam kung paano nila nalalaman mga talento ko. Kanina nga lang after ng service, kinausap ako ni kuya pie. Nalaman niya na magaling daw ako sa editing stuff, nakita niya ata yung yearbook na inedit ko. Next sunday, ako naman daw gumawa ng mga announcements. Tapos yung mga nasa music minstry naman ineencourage na ipagpatuloy ko ang violin, ewan ko, sadyang mahirap mahalin ang bagay na hindi mo gaano kamahal masyado pero titignan ko pa din kung makakaya ko (ang drama) . Tapos nung nagkaroon ng meeting kanina, pinagagawa naman ako ng layout para sa flyers na ipamimigay. Naku, inalam talaga ng KND kung ano mga talento ko..si Elizabeth, tingin ko siya salarin sa pagpapalaganap nito. ( Malamang, isang taon at mahigit ko na rin siyang kaibigan, kilalang kilala nga talaga ako ng babaeng ito) Kaso, hindi rin maiwasan ang pangamba sa aking puso, may ginagampanan din kasi kong mga adhikain sa pamilya at eskwelahan. Kung kaya ko nga mag kage bunshin no jutsu, aba matagal ko na itong ginawa. Nag-aalala rin ako minsan, baka hindi ko na nabibigyang pansin ang studies ko? at baka hindi ko na rin nabibigyang pansin ang pamilya ko?

HAKUNA MATATA.

Tuesday, October 29, 2013

DSPC Days


Mark 9:23 And Jesus said to him, “‘If you can’! All things are possible for one who believes.”

We believed. That's why we won.

Napakasarap sa pakiramdam ng manalo na bukal sa kaibuturan mo at alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para malagpasan lahat ng mga pagsubok. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos sa lahat ng opportunidad na ibinigay niya sa akin at sa buong Ang Repleksyon family. Binigyan Niya kami ng pagkakataon na maibuga ang mga natatago naming galing. 

Binago ng batch namin ang kasaysayan ng school paper namin. Bukod sa iniba namin ang pangalan na mula Delikasis na naging Ang Repleksyon, nagkamit din kaming LAHAT ng karangalan. Dati halos iisa o dadalawa lang nakakakuha ng medalya sa DSPC (Division Schools Press Conference) , minsan pa nga wala, pero ngayon nagbigay kami ng pag-asa na KAYA pala ulit bumangon ng school paper namin pagdating sa mga presscons.

Nakakaba ang awarding para sa aming lahat, malaki ang pressure na nakaatang sa amin sapagkat 11 schools lang ang naglaban-laban na dati ay 60+ schools mula sa Division of Cavite. Parang pag wala ka sa top 7 na pasok sa Regionals parang kahihiyan. Ngunit hindi naman nangyari ito, sapagkat nakakuha kami lahat ng pwesto. Nung una palang tinawag yung unang category at nakasungkit agad ng medalya ang aking kapwa mamamahayag na si Jester, isang malaking kagalakan talaga sa akin yun at nagpatuloy-tuloy pa ang pagsungkit naming lahat. Naging 3rd pa kami sa over-all. Sobrang blessing talaga ng bagong pangalan ng school paper namin.

Kaya ngayong RSPC, binigyan ulit kami ni Lord ng pagkakataon na magpamalas ng aming mga kakayahan. Lulubus-lubusin na namin ito, lalo na sa mga 4th year na kasama ko, last na namin ito :D Alam kong may makakapasok sa amin ng Nationals. Idededicate ko talaga ulit ang laban ko sa RSPC kay Lord. Sobrang thankful talaga ako na I'm truly blessed.

Colossians 3:23-24 Whatever you do, work heartily, as for the Lord and not for men, knowing that from the Lord you will receive the inheritance as your reward. You are serving the Lord Christ.