Sunday, September 8, 2013

My KND Experience



Una sa lahat...What is KND? Abbreviation lang yan which means.. " Katiwala ng Diyos"

Last last last Thursday.. Habang kasagsagan ni Maring + Habagat gumala kami ni Zab for fun. Suddenly naopen yung discussion about sa church nila. Iniinvite niya ako sa church nila. Alam ko last year pa niya akong gusto iinvite sa church nila kaso.. ako yung umaayaw. Ayaw ko. Kahit ilang beses na ako inalok ng mga taong nakapaligid sa akin sa kung anu-anong church.. mapa-church ko dati iniinvite parin ako eh.. ayaw ko. Aminado ako. Ayaw ko. Dahil sa natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng parents ko/mga kapatid ko. Lumaki kasi ako sa kakaibang pamilya na may kakaibang pananaw sa buhay.

Ikaw ba naman? Lolo at Lola mo sobrang  Romano Katoliko, Nanay mo kung saan-saan nakakapagchurch : naging Saksi, Iglesia ni Cristo, Born Again, Roman Catholic, Tatay at Kuya mo na walang pakialam sa religion, Ate na walang inatupag kundi lovelife, at bunsong kapatid na walang kamuwang-muwang sa buhay. Kumbaga, ako naguguluhan ako.Sobrang naguguluhan ako. Sa edad ko ngayon, nasa stage ako ng curiosity na ano ba o sino ba talaga si God.

Naaalala ko pa noon habang nagsasagot ako ng GMRC na book noong nasa elementarya pa ako (laki akong Catholic School) , sinabi ng kuya ko "Hindi mo naman kakailanganin yang mga pinag-aaralan mong GMRC at kay God na yan eeh pag nagcollege ka na.." Kaya paran tumatak sa isip ko na ganun. Simula pa nung bata ako pag usapang religion, hindi na ako makasagot. Kahit nung elementarya.. nararamdaman ko ang pagiging out of place kasi ba naman kada may misa sa school hindi ko alam ang gagawin ko. Lumaki ako na ayus lang sa akin na walang religion.

Ayun yung dahilan ko kung bakit inaayawan ko lahat ng offer ng iba't-ibang friends ko ngayong high school. Nakakalagpas sampung offer din ako nun ah.  Madami talaga nagtangka. Kahit nga crush ko ininvite ako pero di ko prin inaaccept.

Pero bakit nga ba sa lahat.. Bakit sa KND? Actually, may doubts pa ako nung sinabi ko kay Zab na pupunta ako sa church nila. Gusto ko ngang gawing excuse yung paggising ko ng late. Kaso nasaktan ko kasi siya .. nung sinabi ko sa kanya na "Kahit anong pilit sa akin hindi ako pupunta sa church" nung 3rd year ko pa yun sinabi sa kanya nung nasa Mcdo.. inunahan ko na siyang sabihan ng ganun kasi sa isip ko noon alam kong tatangkain din niyang iinvite ako (I know I'm so bad), kaya gustung-gusto kong bumawi sa sinabi kong yon.. sinabi kasi niya sa akin (lately na lang) na sobrang nasaktan daw siya nung narinig niya daw yun sa akin.

 Why not try? Wala naman masama siguro kong itry ko diba? Pag-uwi ko after nung gala namin yun lang tanging nasa isip ko. Kaya tinry ko na rin.

Aminado ako nagsinungaling ako sa nanay ko para lang makapunta ng church. sabi ko.. "Pupunta lang ako kila Zab" Which is hindi pala sinungaling, totoo naman na pupunta talaga ako kila Zab. Pero hindi ko minention na pupunta ako ng church.

To tell you the truth.......Ang awkward atsaka naweirduhan ako sa unang pagsisimba ko . Hindi kasi ako sanay. Sobrang nashock ako. Sobrang salungat sa mga dati kong ginagawa . Ang aangelic voice kasi nung kinagisnan ko.. not to mention na part ako ng choir dati. Tapos biglang rock music ang salubong sa akin. It was something new.  Kathleen Rae E. Gonzales, ano ba itong pinasok mo? (Yan yung nasaisip ko nung first time ko magsimba ) Pero nakakatuwa tignan yung mga sobrang dedicated sa kanilang ginagawa just to serve God (katulad nung mga nasa music ministry) .. Isa pa sa sobrang ikinagulat ko. Lahat ng pinagsasabi ni Pastor. Shocks. Sobrang natamaan ako deep inside tagos sa puso pero may point lahat ng sinasabi niya. Pero katulad nga ng sabi ni Zab sa akin, more on application sa buhay yung matutunan sa church nila at hindi siya mere religion .. Which is super true..

Nasa gradual-process palang ako sa pagkilala kay God. Nasa panahon ako kung saan gusto ko muna isurrender at iconfess lahat ng pinagsisihan ko at lahat ng pagkakamali ko. Alam ko hindi ko pa siya completely naiintindihan pero darating din yung point na makikilala ko siya completely.

Napagtanto ko din na super bait ng mga taga-KND. Napaka-welcoming nila.

Nung bandang tanghali, wala akong ideya kung saan kami pupunta. Basta sunod lang ako ng sunod kay ate Nica. Basta ang alam ko gutom na ako. Hindi ko nga alam na may isusurprise sila. 18th Birthday daw kasi ni Jo. Basta sumama lang ako. Medyo gala pala sila (katulad ko) Nag-enjoy naman ako. Dami kong naexperience in one day. Nakakatuwa rin si Kim, parang hindi mo siya mapapahinto sa pagkukwento. Pero syempre ako.. tahimik lang ako. Ayoko kasi magfeeling close agad. Pero gusto ko pa makilala yung mga taga -KND ng lubusan at syempre si God din..... Ayun nung icecelebrate na yung birthday ni Ate Jolina.. Napakanta ako ng hindi oras. Bigla tuloy ako nag-isip ng inspirational na kanta... Di ako prepared. Di ko nga rin ineexpect na kasama ako sa pagcecelebrate ng birthday ni Ate Jolina. Balak ko talaga umuwi na. Ehhh si ate Nica, parang hindi naman ako makatanggi atsaka wala naman gagawin sa bahay eh di sumama na rin ako.

Kakaibang start talaga yung araw na yun sa buhay ko.

Note : Natupad na din yung  New Year's Resolution ko :D To meet new people.

Kaso.. may problema pa ako. Ayaw ng nanay ko na nagsisimba ako. Saan ko daw ba kinukuha yung ginagastos ko sa tuwing pupunta ako ng church? Sa halip daw na tulungan ko siya sa bahay o di kaya sa bahay lang ako tuwing weekends eh nasa church daw ako. Halatang-halata sa mukha niya na ayaw niya akong magsimba. Sabi niya" Oo, maganda naman yung naoopen ka sa mga religion kaso sayang yung oras at pera na nilalaan mo" Iniisip ko naman, yung ibang kabataan nga dyan nagyoyosi, nagdadrugs, and other vices .. Yun na nga lang pagpunta sa church yung ginagawa ko .. ayaw pa? Dami nga niyang banta sa akin eh. Sa tuwing gusto kong ishare yung tungkol sa church, bigla niya kamo sasabihin "Sigurado ka ba dyan sa ginagawa mo? " Kahit gusto ko ikwento yung mga experiences ko sa church eh mag-iiba agad yung topic. Sa kanya ko na nga lang pwede mashare since, wala naman akong nakakausap sa school. That's life.

Sa totoo lang ginawa ko nga lahat para makaattend ng church kahit ang dami ko ng excuses. Lalo na yung sa first launch ng Eco Warriors, yung Sunday na yun.

AND Yes! There is that feeling na hinahanap-hanap mo yung pagpunta ng church. Masaya kasi ako pag nasa church ako at nagpepray ka. Unexplainable.

Actually, si mommy, daddy, at si mymy lang nakakaalam na napunta ako ng church, yung dalawa ko pang kapatid hindi nila alam. Mas kinakabahan ako dun sa dalawa. Hindi ko alam kung bakit.

Sobrang hirap. Ang hirap pumunta ng church lalo na kapag yung mismo mong pamilya hindi ka suportado. They find it unusual na pumupunta ako ng church na tipong gigising ako ng maaga para lang pumunta eh samantalang dati gigising na ako ng 1 or 2 pm tuwing Sunday.

It was uneasy. But... I know na darating din ang time na maliliwanagan ako.


No comments:

Post a Comment